24/08/2026
💜⚽ MARAMING SALAMAT, KAGAWAD JUN NAPA! ⚽💛
Taos-pusong pasasalamat mula sa Camalig NHS Futsal Club kay Kagawad Jun Napa sa kanyang walang-sawang suporta sa aming mga atleta! 🙏❤️
Maraming salamat po sa pagbibigay ng transportation para sa dalawang araw ng aming pagsali sa 1st Naga City Invitational Futsal Tournament – U-15 and U-17 Girls.
Hindi man lang po kayo nagdalawang-isip nang humingi ng tulong ang Futsal Club. Basta para sa mga atleta at para sa Futsal, palaging handang tumulong. 🥹⚽
Malaking bagay po ang inyong suporta para sa aming mga batang atleta. Hindi lang po kayo nagbigay ng sasakyan—nagbigay kayo ng pagkakataon, inspirasyon, at dagdag na kumpiyansa sa aming mga manlalaro.
Maraming-maraming salamat po, Kagawad Jun Napa! 💜💛
God bless po sa inyong kabutihan at patuloy na suporta sa kabataan at sports!
CAMALIG NHS FUTSAL CLUB
Your support, our motivation! ⚽💜