04/10/2026
NO ONE IS SELF-MADE. 💯
Kaya ako nakatayo sa aking mga paa dahil may mga umalalay.
May mga taong nagturo at gumabay.
May mga nawala at nasilaw sa kinang.
May mga tahimik na nag-ambag habang nagsisimula at nakangiti habang ako’y humahakbang.
Malalim at nagmamasid, taimtim at dalisay.
Merong nakangiti ngunit hindi tunay.
May mga taong nagduda sa una pero sumang-ayon.
May mga sumang-ayon sa una ngunit naglaho dahil sa ingay.
Sa aking mga coaches mula noon kayo ang aking gabay at malalim ang aking respeto. Kung wala kayo wala ako, wala din ang create 🤝