24/08/2026
Rest in Peace, Sir Louie. 🕊️
Isa ka sa mga naging coach at gabay ng mga batang manlalaro ng Bante Elementary School noong ikaw ay g**o pa rito. Kahit lumipat ka na sa ibang paaralan, hindi ka tumigil sa pagbibigay ng suporta, oras, at pagtuturo sa mga kabataang manlalaro sa larangan ng basketball.
Sa ngalan ng mga batang manlalaro ng Bante na iyong natulungan—hindi lamang sa kanilang pag-aaral kundi pati na rin sa basketball—maraming-maraming salamat po sa inyong kabutihan, paggabay, at pagmamahal sa mga kabataan.
Malaki ang naging ambag mo sa buhay ng mga batang iyong naturuan at hinubog. Ang iyong mga aral, payo, at kabutihan ay mananatili sa aming mga puso.
Hindi ka namin malilimutan, Sir Louie.
Maraming salamat sa lahat.
Paalam at mapayapang pamamahinga. 🕊️🏀