10/07/2026
Mula B**A, para sa Pilipinas!π΅ππ
Buong pagmamalaki at taos-pusong suporta ang ipinapaabot ng B**A Volleyball Club kay Howard Guerra sa kanyang paglahok sa Asian Volleyball Cup U18 na gaganapin sa Haikou, China mula Hulyo 12β18, 2026.
Ang iyong dedikasyon, sipag, at walang sawang pagsasanay ang nagdala sa iyo mula sa ating komunidad hanggang sa pandaigdigang entablado. Bitbit mo hindi lamang ang iyong talento kundi pati ang pangarap at pagmamalaki ng bawat Pilipino.
Nawa'y maging matatag ka sa bawat laban, maglaro nang buong puso, at patuloy na maging inspirasyon sa mga kabataang nangangarap na marating ang tagumpay.
Ipinagmamalaki ka ng B**A. π΅ππβ€οΈ