01/06/2026
π¨Maraming Salamat, Kabataang Purok 2! π
Pinangunahan ng mga masisipag na kabataan ng Purok 2 ang pagpipintura at pag-aayos ng mga linya ng ating basketball court. Ang inyong kusang-loob na pagtulong at pagmamalasakit sa ating komunidad ay isang magandang halimbawa ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng kabataan sa mga gawaing pangbarangay. π
Sa ngalan ng Sangguniang Barangay, taus-puso kaming nagpapasalamat sa inyong oras, pagod, at dedikasyon upang mapanatiling maayos at kaaya-aya ang ating mga pasilidad na magagamit ng buong komunidad.π
Nawaβy patuloy kayong maging inspirasyon sa iba pang kabataan upang makiisa sa mga programang naglalayong mapaunlad ang ating barangay.π―
Kabataang may malasakit, barangay na maunlad!