19/07/2026
Day 2 | Softball for a Cause
Minsan, ang pinakamalaking tulong ay hindi nasusukat sa halaga ng naibibigay, kundi sa pusong handang makiisa at sa panalanging taos-pusong iniaalay.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta, nagbabahagi ng kanilang tulong at nakikiisa sa aming adhikain para kay Tito Felipe Alcaraz. Patuloy po naming hinihiling ang inyong mga panalangin para sa kanyang lakas at mabilis na paggaling.
Maraming salamat po sa pagiging bahagi ng munting hakbang na ito tungo sa pag-asa.