01/07/2026
Bringing Home the Bronze with Pride๐ฅ๐๐
Nagsimula ang lahat sa isang pangarap na noon ay hindi namin inaakalang matutupad. Isang simpleng barangay kami na dati ay halos walang naglalaro ng volleyball. Ngunit dahil sa puso, determinasyon, at pagkakaisa, unti-unti naming nabuo ang isang matatag na samahan.
Mula sa pagiging koponang hindi man lang nakakapasok sa anumang liga, ngayon ay nakatuntong na sa Baliwag Star Arena at nag-uwi ng Bronze Medal. Hindi man namin nakuha ang kampeonato, napakalaking tagumpay na nito para sa amin at sa buong aming barangay. Isa itong patunay na ang sipag, tiyaga, disiplina, at pagtutulungan ay kayang magdala sa isang pangarap tungo sa tagumpay.
Ang medalya na ito ay bunga ng bawat ensayo, bawat sakripisyo, at bawat laban na hinarap namin bilang isang koponan.
Special Thanks to the Core of SR:๐ค
To Ms. Cristine โ Maraming salamat sa iyong dedikasyon, tiyaga, at walang sawang suporta sa koponan mula umpisa hanggang huli.
To Sir. Algill (Men's Team Captain/COACH) โ Salamat sa iyong mahusay na pamumuno, tiwala sa bawat miyembro, at pagiging inspirasyon sa loob at labas ng court. Isa kang tunay na lider.
To Ms. Faith (Women's Team Captain) โ Salamat sa iyong malasakit, katatagan, at pamumunong nagbigay ng lakas ng loob at motibasyon sa buong koponan.
To Ms. Miko โ Salamat sa walang sawang suporta. Ang iyong presensya at pag-encourage ay malaking bagay sa amin.
To Sir. Cyruz โ Maraming salamat sa walang humpay na pagsuporta sa bawat laro at sa pagbibigay ng lakas ng loob sa buong team. Bahagi ka ng tagumpay na ito.
To kap EJ - Maraming salamat sa walang sawang suporta, gabay, at pag-alalay sa aming koponan at barangay.
To SK CHAIR Jimboy - Salamat sa iyong tuloy-tuloy na suporta at paniniwala sa aming kakayahan sa bawat laban.
To SK Amiel - Maraming salamat sa iyong suporta.
Maraming salamat din sa buong SR Women's Volleyball Team, sa aming mga coaches, management, pamilya, mga kaibigan, supporters, at sa buong barangay na patuloy na naniwala at sumuporta sa amin sa bawat laban.
Ang Bronze Medal na ito ay hindi lamang simbolo ng aming tagumpay, ito rin ay simbolo ng pagkakaisa, pagsisikap, at pagmamahal sa sport. Isa lamang itong simula. Mas marami pa kaming pangarap na gustong maabot, at mas marami pa kaming laban na handang harapin.
Para sa SR. Para sa aming barangay. Para sa bawat pangarap na pinaghirapan.
Bringing Home the Bronze with Pride.๐๐
ONE TEAM. ONE GOAL. ONE SR.