27/08/2026
HER-STORIC WIN FOR THE PHILIPPINES!
Nagtala ng kasaysayan ang ating Philippine Women's Baseball Team nang talunin nila ang world no. 7 Cuba sa kanilang 2026 WBSC Women’s Baseball World Cup Tainan group stage match.
Ito ang kauna-unahang panalo ng Pilipinas sa World Cup at ginawa nila ito sa kanilang debut sa world stage.
6 runs in 6 hits ang pinamalas ng Pinay batters para sa shutout 6-0 upset at bigyan ang Pilipinas ng 1-1 record para makabawi sa pagkatalo kontra Japan sa kanilang opening Tainan group stage match.