09/07/2026
ππ€ SOLIDARITY MEETING | BARANGAY LIBJO, BATANGAS CITY
Isang matagumpay na Solidarity Meeting ang isinagawa kasama ang mga players, coaches, at team representatives ng bawat koponang kalahok sa liga ng Barangay Libjo, Batangas City. Naging daan ito upang maipaliwanag ang mga alituntunin, regulasyon, at mga inaasahan para sa isang ligtas, patas, at maayos na paligsahan, kasabay ng pagpapatibay ng sportsmanship, disiplina, at pagkakaisa ng lahat.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa panibagong taon ng tiwala na muling ipinagkaloob sa GAME TIME SPORTS OFFICIATING SERVICES. Isang malaking karangalan para sa amin na muli kaming mapagkatiwalaan na mangasiwa sa inyong liga.
Lubos din ang aming pasasalamat kina SK Chairperson Patricia Beatrice D. Igat at Punong Barangay Joel Chavez sa kanilang patuloy na suporta at tiwala sa aming serbisyo. Maraming salamat sa inyong dedikasyon sa pagsusulong ng sports at pagkakaisa sa Barangay Libjo, Batangas City.
Nawa'y maging matagumpay ang buong liga at magsilbing inspirasyon ang bawat laro sa pagpapakita ng respeto, disiplina, at tunay na diwa ng sportsmanship.
GAME TIME SPORTS OFFICIATING SERVICES
"Fair. Professional. Committed to Excellence." ππ