20/10/2025
Hi sa lahat.
Tawagin niyo na lang akong Lorna, 34 years old. Hindi tunay na pangalan.
Tindera ako sa palengke ng gulay.
May asawa akong si Tony, 41. Dating tricycle driver, pero dalawang taon na mula nang ma-stroke.
Kalahating katawan niya, ‘yung kaliwa, di na masyado gumagalaw.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano ko nagawang lokohin ‘yung taong halos buong buhay ko, kasama ko.
Noong bago pa lang kami ni Tony, grabe ‘yung saya namin.
Simple lang buhay namin, pero puno ng lambing, tawanan, at kwentuhan.
Tuwing madaan siya sa pwesto galing pasada, may dala na yun na meryenda.
Wala kaming anak kasi may PCOS ako.
Sinubukan namin magpa-check, pero sabi ng doktor, mahirap daw talaga.
Sabi ni Tony, okay lang daw, “Kahit tayong dalawa lang, masaya na ako.”
‘Yung linyang ‘yon, lagi kong binabalikan.
Isang araw, bigla na lang siyang bumagsak sa trike.
Akala ko pagod lang, pero stroke pala.
Grabe ‘yung iyak ko sa ospital.
Ilang linggo siyang hindi makapagsalita, halos hindi makagalaw.
Dun nagsimula lahat ng hirap, pisikal, emosyonal, pati pinansyal.
Ako na nagbubuhat ng lahat, literal at sa buhay.
Nagpupuyat ako, nagtitinda, nag-aalaga, nagbabayad ng utang.
Sa una, okay pa. Pero habang tumatagal, parang unti-unting akong nagsasawa at napapagod.
Alam niyo ‘yung pagod na kahit tulog ka, pagod pa rin?
Ganun ako araw-araw.
Tapos, aminin ko na may pangangailangan din ako bilang babae.
Kailangan ko din ng lambing, ng haplos, ng init na ibinigigay ng lalaki.
Kasi mula nang ma-stroke si Tony, hindi na namin magawa ‘yung mga dati naming ginagawa bilang mag-asawa.
At oo, naiintindihan ko, pero tao lang ako.
Sa palengke, may kargador na bagong pasok noon, si Jun, 27 years old.
Tahimik lang siya, pero mabiro.
Madaling makasundo.
Noong una, simpleng bati lang “Ate Lorna, paabot po ng saging.”
Hanggang sa araw-araw na siyang dumadaan sa pwesto ko.
Lagi niyang tinutulungan akong buhatin ‘yung mabibigat na lagayan.
Tapos may mga pa-joke siya na “Ate, Ako na lang aalalay sayo.”
Siyempre natawa lang ako noon, pero sa loob-loob ko, may kakaibang kilig.
Tagal ko nang di nakaramdam ng ganun.
Hindi ko in-expect na ganun kabilis.
Lagi kaming sabay magmeryenda.
Yung mga tinginan namin. Alam niya ang tungkol sa asawa ko. Sinabi ko sa kanya.
Hanggang sa isang gabi, Hinatid niya ako sa bahay kasi umuulan.
Pagdating sa bahay, basang-basa kami pareho.
Tulog si Tony sa kwarto, umuwi na din yung pamangkin niya na nagbabantay sa kanya hanggang 5 o kaya 6.
Dineretso ni Jun sa likod bahay yung mga gulay, hinubad ang pang itaas dahil basa sa ulan. Nakita ko yung muscles niya na batak sa pagkakargador.
Ako din ay basa non, kaya humahapit na din damit ko, admin sa totoo lang, hindi sa nagbubuhat ako ng bangko, pero ang dibdib ko nakatayo pa. Bakat na bakat na sa damit ko.
Inilapit niya ako sa katawan niya.
Hindi ko na ikukwento yung sumunod, kasi alam niyo na siguro.
Basta mula noon, naging “kami.”
Hindi sa label, pero sa ginagawa.
At oo, mali. Alam kong mali.
Minsan sa motel, minsan sa bahay kapag tulog na si Tony pumupuslit si Jun.
Akala ko ok lang, na hindi mabubuo, dahil matagal namin sinubukan ni Tony eh.
At dun na nga, isang buwan, dalawang buwan, tatlo, hindi na ako dinatnan.
Kinabahan ako, Bumili agad ako ng pregnancy test.
Grabe, hindi ko alam kung iiyak ako o matutuwa.
Sabi ni Jun, “Pananagutan ko ‘to.”
Pero naisip ko, paano ko naman iiwan si Tony?
Siya ‘yung kasama ko sa hirap at ginhawa noon.
Sino mag aalaga sa kanya?
Siya ‘yung taong minahal ko noon.
Hindi ko kayang iwan siya habang ganun kalagayan niya.
Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Tony.
Ang alam niya lang, lagi akong pagod.
Pero minsan, tinitingnan ko siya habang natutulog, at naiiyak ako.
Sabi ko, “Lord, bakit ganito?”
Kasalanan ko ba na naghanap ako ng taong mapupunan pangangailangan ko?
Kasalanan ko ba na gusto kong maramdaman ulit na buhay ako?
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ‘to sa kanya.
Hindi ko rin alam kung paano ko haharapin si Jun kapag tuluyang lumaki ‘tong tiyan ko.
Kaya andito ako ngayon, humihingi ng payo.