29/05/2026
Ang sarap sa feeling na makabalik ulit sa court kasama yung taong mahal mo. ❤️
For almost 4 weeks hindi siya nakapaglaro dahil nagkasakit siya, and honestly na-miss ko yung moments na ganito. Yung simpleng bonding habang naglalaro, nagtatawanan, minsan nagkakainisan pag mali yung shot 😂 pero at the end of the day, magkasama pa rin doing something we both enjoy.
One thing I really admire about her is hindi siya basta sumuko. Maraming tao kapag naputol yung momentum nila, nawawalan na ng gana o nadidiscourage bumalik. Pero siya, she showed up and played again.
And I think that says a lot about her character.
Thankful ako na naeexperience namin together yung sport na mahal namin. Hindi lang siya about pickleball anymore. Mga memories na rin namin to as husband and wife. ❤️
PS. Wala po talagang away nangyari dahil namiss din namin mag laro together 😜
📸: Jobs Martin