18/03/2026
🏆✨ Alanganin Basketball League 2026 Awarding Night ✨🏆
Matapos ang isang kapanapanabik at punong-puno ng aksyon na liga, oras na para kilalanin ang husay, sipag, at dedikasyon ng bawat koponan at manlalaro!
Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa ating Awarding Night ngayong Sabado-March 21, alas 7:00 ng gabi sa Barangay Banawang Covered Court.
Sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay ng bawat isa—mula sa mga nagwagi hanggang sa mga buong pusong lumaban!
Kita-kits at sabay-sabay nating parangalan ang mga kampeon ng ABL 2026!