31/08/2026
Sa paggunita ng Araw ng mga Bayani, buong puso akong nagbibigay-pugay sa lahat ng Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at lakas para sa bayan.
Sa Antique, isa sa mga pangalang patuloy nating inaalala ay si Former Governor Evelio Javier—isang lider na nanindigan para sa demokrasya, katarungan, at kalayaan na nananatiling bahagi ng kasaysayan ng Antique at inspirasyon sa mga Antiqueño hanggang sa kasalukuyan.
Ang kanyang buhay ay paalala na ang tunay na kabayanihan ay ang manindigan para sa tama at para sa kanyang lupang sinilangan.
Mabuhay ang ating mga bayani!