12/07/2026
🏀🏐IT'S A WRAP! 🎉
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na liga!
Higit sa lahat, nagpapasalamat tayo sa Panginoon sa Kanyang gabay, proteksyon, at walang sawang biyaya. Sa Kanya ang lahat ng papuri dahil naging maayos, matagumpay, at ligtas ang buong liga mula umpisa hanggang sa pagtatapos.
Una sa lahat, maraming salamat kay Aldrin P. De Guia sa pangunguna sa ating liga, kasama ang kanyang masisipag na committee at mga referees na naglaan ng oras, pagod, at dedikasyon upang maging maayos ang bawat laro.
Special thanks din sa ating mga masisipag na committee na sina James, Didrei, Allen, Igme, Tmac, SK Zaila, kasama ang iba pang mga SKs at sa lahat ng masisipag na kabataang tumulong sa pagko-committee. Maraming salamat sa inyong oras, sipag, at dedikasyon sa buong liga.
Maraming salamat din kina SK Ever at sa kanyang mga SK Kagawad, gayundin kay Kap. Frank De Mesa at sa mga SB Kagawad sa kanilang buong suporta sa ating programa.
Special thanks kay Ma'am Shena Mejia sa pag-sponsor ng mineral water para sa buong liga.
Maraming salamat sa mga nag-sponsor ng ating mga bola para sa Basketball at Volleyball:
🏀 Atty. Rey San Gaspar
🏀 Vice Mayor Ariel Fornoles
🏀 Konsehal Kirby Auditor
🏀🏐 RMP
Maraming salamat din sa RMP sa pag-sponsor ng mga medals para sa ating mga players.
Lubos din kaming nagpapasalamat kay Mrs. Carlota Mejia sa pag-sponsor ng mga kagamitang ginamit para sa Certificates of Award. Maraming salamat din sa pag-aasikaso at paggawa ng mga certificate sa pangunguna ni SK Zaila, kasama ang kanyang mga nakasama at tumulong sa paghahanda nito.
Maraming salamat din sa lahat ng nag-sponsor ng meryenda para sa ating mga committee. Malaking bagay ang inyong suporta at pagmamalasakit sa buong grupo.
At higit sa lahat, maraming salamat sa lahat ng players, coaches, officials, volunteers, supporters, at sa bawat isa na naging bahagi ng ating liga. Dahil sa inyong suporta, pagtutulungan, at pagmamahal sa sports, naging matagumpay ang ating programa.
Maraming salamat sa inyong lahat! Hanggang sa susunod na liga! 🏀🏐❤️