28/02/2026
Mga kababayan sa Bahrain, manatiling kalmado at maging handa. Narito ang mga hakbang na dapat gawin kapag may narinig na malakas na pagsabog o umandar ang siren:
πΉ Kung nasa loob ng bahay o building:
β’ Pumunta agad sa pinakamababang level ng gusali.
β’ Lumayo sa mga bintana at exterior walls.
β’ Isara ang mga pinto at manatili malapit sa interior wall.
πΉ Kung nasa labas:
β’ Maghanap agad ng matibay na gusali na puwedeng masilungan.
β’ Kung walang malapit na gusali, humiga sa lupa at takpan ang ulo gamit ang mga kamay para sa proteksyon.
β οΈ Tandaan: Kahit ma-intercept ang missile o drone, may panganib pa rin mula sa mga bumabagsak na debris.
π’ Pagkatapos ng anumang insidente, iwasan ang paglapit sa debris at sundin lamang ang mga official news at advisories mula sa awtoridad.
Manatiling alerto. Manatiling ligtas. π§π